Pagninilay sa Buwan ng Wika
Nakasanayan na po natin na tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, ang wikang Tagalog ang siyang salitang ating ginagamit. Kaya nga’t umaalma na ang mga bisaya. Unsa nga Tagalog man ang Pilipino? Ngaa nga daw sa pareho na gid ang buot silingon sang Pilipino kag Tagalog? Balido nga mga obserbasyon nga dapat eang taw-an it nagakaigo nga igtaeupangod. Kaya nga’t ang kwento ay ang “itlog” sa Bulacan ito ay nagiging “ebon” na pagtawid mo ng tulay sa Pampanga; ang “pating” sa Aklan ay lumalangoy pero ng sumakay ka ng Ceres ito na ay lumilipad pagdating sa Iloilo. Ano po ba ang ipinapahiwatig nito? Ang wika, ayon sa mga dalubhasa, ay siyang sukatan ng isang pamayanan. Kung ito ay lumalago, naipagyayaman, ang pamayanang gumagamit nito ay lumalago rin at umuunlad. Ang wika ay siyang nagbibigay kahulugan, nagtataglay ng katangi-ang iba sa bawat lahi. Ang wikang Pilipino hay hindi pa establisado. Ito ay patuloy na lumalago at yumayaman. Ipinapahiwatig nito na ang lahing Pilipino ay patuloy na lumala...